P.6-M shabu nakumpiska sa Muntinlupa

TINATAYANG aabot sa P600,000 halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mall sa Tunasan, Muntinlupa noong Sabado.

Sa isinumiteng ulat kay PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr.,  kinilala ni Reginal Director Wilkins M. Villanueva ng PDEA Metro Manila Regional Office (MMRO) ang mga nahuling sina Diego Magusara y Buenavesta, 45 at Rogelio Piedad y Dela Cruz, 51.

Sina Magusara at Piedad ay nahuli sa aktong nagbebenta ng may 75 gramo ng shabu na katumbas ng nasabing halaga sa isang tauhan ng PDEA na umaktong poseur-buyer.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply