P.7-M tanso nakulimbat sa Intsik

AABOT sa P700,000 halaga ng mga tanso ang tinangay ng isang empleyado at limang hindi pa nakikilalang kasama nito matapos pasukin ang junkshop na pag-aari ng isang Intsik sa Valenzuela City, Martes ng umaga, Mayo 24.

Pinaghahanap na si Junel Canabe, nasa hustong gulang, empleyado ng WQB junkshop sa M. Gregorio st., Canumay West ng lungsod na pag-aari ng isang Carlos Uy at ang limang hindi pa nakikilalang kasabwat ni Canabe.

Sa ulat, dakong 6:50 ng umaga, pinasok ng mga suspek ang nasabing junkshop at tinutukan ng patalim ang caretaker na si Huang Chi upang maisagawa ang pagnanakaw.

Maliban dito, iginapos rin ng mga suspek si Huang Chi at ikinulong sa banyo bago hinakot ang copper wire sa junkshop at ikinarga sa Isuzu Closed Van (RDS-258).

Matapos ang pagnanakaw ay mabilis na tumakas ang mga ito dala ang mga nakulimbat.

Nang makakawala si Huang Chi ay agad na tumawag sa amo upang ipinalaam ang nasabing insidente.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply