P.8M multa, kulong, sa ‘cyber criminals’

NAIS ng isang senador na maglatag ng isang komprehensibong “policy framework” na kinapapalooban ng mga alituntuning kailangang upang masugpo ang mga “cyber crime.”

Ito ang nakapaloob sa Senate Bill No. 14 na inihain ni Sen. Antonio Trillanes IV na naglalayong patawan ng mabigat na parusa ang mga “cyber-criminals,” gaya ng pagkabilanggo ng hanggang 12 taon at multa na aabot hanggang P800,000.

Ang panukalang batas ay naglalayong isa-isahin at liwanagin ang mga gawain na maituturing na cyber crime, kabilang na ang pagnanakaw ng personal at mahahalagang impormasyon, panggagaya, cybersex, child pornography, trafficking, prostitusyon at panghihingi ng salapi.

Naglalayon din itong lumikha ng Computer Emergency Response Council (CERC) sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo na siyang mangangasiwa sa pagbuo at pagpapatupad ng pambansang action plan sa pagsugpo sa cyber crime.

Ayon kay Trillanes, batid ng lahat ang kahalagahan ng mga computer dahil napapadali nito ang pag-iimbak at pag-proseso ng samu’t saring impormasyon at nakatutulong ng husto sa paglilinang ng industriya, pagbabangko, telecommunications at engineering.

Ngunit batid din umano ng senador ang kaakibat na panganib sa klase ng makabagong teknolohiyang ito.

Aniya, karaniwan dito ay pinagmumulan din ng bagong uri ng kriminal at krimen, gaya ng hindi awtorisadong pagkalap ng mahahalaga at pribado o personal na impormasyon na ginagamit upang pagkakakitaan.

Nais din ni Trillanes na makipag-ugnayan ang pamahalaan sa ibang bansa para sa pagtunton, pag-imbestiga at pag-usig ng mga cyber crime.

“It is hoped that through the passage of this bill, cyber criminals will be discouraged from engaging in these illegal acts. (It) will send a clear signal to the international community that our country is serious in combating cyber crimes,” giit ng senador.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply