PNoy nadagdagan ang yaman

BAHAGYANG nadagdagan ang kayamanan ni Pangulong Benigno Aquino III noong nakaraang taon base sa kanyang isinumiteng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.

Nadagdagan ng P4.8 million ang kanyang naging assets dahil umano sa pagkakabenta ng isang residential lot sa lungsod ng Antipolo na pag-aari ng mga Cojuangco. Umabot ng P55 million ang kanyang kabuunang assets.

Nagbigay naman kaagad ng paliwanag ang Malakanyang sa pagtaas ng yaman ni P-Noy. Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda hindi umano nakibahagi sa negosasyon at bentahan ang Pangulo. Inantay na lang ni P-Noy ang kanyang share sa naturang bentahan.

Pangalawa umano ay tumaas ang sahod nito dahil sa implementasyon ng Salary Standardization Law.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply