P1.1M tinangay ng akyat-bahay

PUWERSAHANG pinasok ng hinihinalang miyembro ng akyat-bahay gang ang bahay ng isang ginang at tinangay ang may P 1.1-milyong halaga ng mga alahas at mamahaling gamit sa Quezon City Biyernes ng madalinga araw.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), pinasok ng mga suspek ang bahay ng biktima na nakilalang si Cynthia Nepumuceno, 55, ng 69 East Maya Dr., Barangay Phil-Am Homes sa nasabing lungsod bandang 1:30 ng madaling araw.

Nakulimbat ng mga salarin ang 20 piraso ng mamahaling kuwintas, 20 piraso ng bracelet at walong pares ng hikaw na may kabuuang halagang P1 milyon. Natangay din ang dalawang wallet na naglalaman ng P 22,000.

Gayundin ay nawawala ang isang mamahaling bag, isang relo at isang cellphone na may kabuuang halagang P83,000.

Lumitaw sa pagsisiyasat na umakyat ang mga suspek sa bakod ng bahay ng biktima at nang makapasok sa loob ay naghalughog hanggang sa matagpuan ang pinaglalagyan ng mga nasabing pera at mamahaling alahas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply