P1.4-M natangay sa isang Korean national

TINATAYANG aabot sa halagang P1.4 milyon ang natangay sa isang Korean national matapos itong harangin at holdapin ng grupo ng kabataan habang naglalakad sa Ermita, Maynila, Martes ng hapon.

Personal na dumulog sa Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktima na si Oh Yoon Su, nasa hustong gulang, ng 416 Hostel Hotel, Adriatico St., Ermita, Maynila.

Sa report ng GAS, dakong alas-6:30 ng hapon nang maganap ang insidente sa Pedro Gil at Adriatico Sts. sa Ermita.

Nabatid na naglalakad umano si Su sa lugar nang bigla siyang harangin ng grupo ng kabataan at pilit na kinuha ang kanyang cash na P5,000 at 55,000 Won na may kabuuuang P1.4 milyon, pati na rin at dalawang Visa credit card.

Nang malimas ng mga suspek ang dalang pera ng biktima, naglakad lamang ang mga ito na parang walang nangyari.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply