P1-M nakulimbat sa Chinese businessman

PUWERSAHANG pinasok ng mga  miyembro ng gapos gang ang bahay ng isang negosyanteng Chinese at tinangay ang mahigit sa P1 milyon halaga ng salapi, alahas at mamahaling gamit sa sa Quezon City.

Nanlumo ang negosyanteng si Rosita Lim, 44, nang pasukin ng walong hindi pa nakilalang kalalakihan ang bahay sa 664 Quirino High Way Novaliches, QC, alas-6:15 ng umaga.

Lumitaw sa pagsisiyasat ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police sa pangunguna ni PO2 Valentine Depalog, aktong binubuksan ng isang kasambahay ang gate ng bahay upang magtapon ng basura nang bigla na lamang sumugod ang mga suspek.

Kasunod nito ay nilagyan umano ng packaging tape ng mga suspek ang bibig ng kasambahay upang hindi makalikha ng ingay at saka iginapos ang paa at kamay.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay iginapos din ng mga suspek si Lim sa kamay at paa maging ang kanyang mga anak.

Pagkaraang igapos ang lahat ng mga biktima ay dali-daling pinasok ng mga suspek ang master’s bedroom  at tinangay ang isang .38 kalibre ng baril, mga alahas na nagkakahalaga ng P957,000, P15,000 cash, 3 cellphone at ATM cards.

Pagkatapos makuha ang pakay ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply