P109 B lugi ng NFA

LUMALABAS na umabot sa P109 billion ang lugi ng National Food Authority (NFA) base sa isinagawang pag-audit ng Commission on Audit (COA) sa naturang ahensiya.

Napag-alaman na mula taong 2000 hanggang 2009 ay umabot ng ganung halaga ang nawaldas ng ahensiya.

Ipinagtataka ng COA ay kung bakit patuloy ang ginawang pag-aangkat ng NFA ng bigas samantalang wala itong natatanggap na suporta galing sa pamahalaan. Nakasama pa umano ang matagalang pag-iimbak ng maraming mga bigas sa mga warehouses ng ahensiya.

Nabatid na taong 2008 ang siyang pinakamalaking lugi ng NFA na umabot ng P32 billion ayon sa COA.

Sinabi naman ni NFA Administrator Lito Banayo na dapat managot sa taong bayan ang mga responsableng opisyal sa ahensiya.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply