P15-M black corals nasabat sa Cebu

ISA na namang iligal na kargamento na naglalaman ng mga black sea corals ang nasabat ng Bureau of Customs sa Cebu City  ilang linggo lamang ang nakararaan matapos masakote ng ahensya ang katulad na kargamento  sa Maynila na naglalaman naman ng sea turtles at sea shells galing Cotabato.

Tinatayang nasa P15 milyon ang halaga ng black sea corals na nagmula pa ng Maynila at nasabat sa Cebu Port nito lamang Mayo 20, hinalang may kaugnayan sa nahuling mga lamang dagat  sa Maynila, ayon kay Customs Police Director Nestorio Gualberto sa kanyang ulat kay Customs Commissioner Angelito Alvarez.

Nadiskubre ang black corals sakay ng MV Lorcon Manila na pagmamay-ari ng Lorenzo Shipping Corp. makaraang makatanggap ng tip ang customs na ito ay ibiniyahe bilang “scrap metal”.
Ang sea corals na itinago bilang “scrap metals” ay nakapangalan patungo sa isang “cebu junk shop” na lumabas na gawa-gawa lamang.

May 168 sako na naglalaman ng 375 piraso ng “endangered species” na pinangalanan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na “black sea fan “corals.

Ipinagbabawal ng batas ang sinuman na kumuha, magkaroon, magbenta o mag-angkat ng mga mahahalagang corals buhay man o pinatuyong uri at may kaakibat na parusa ng pagkakakulong mula anim na buwan hanggang 2 taon at multa na aabot sa P500,000.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply