P150M fuel subsidy, ipinamahagi na sa mga tricycle drivers

SINIMULAN na kahapon, Mayo 1, ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang pagbibigay ng gasoline subsidy na tinatayang aabot sa halagang P150 milyon sa milyong tricycle operators sa Luzon.

Sa pahayag kahapon ni Interior Secretary Jesse Robredo, sa ilalim ng assistance program na tinawag na “Pantawid Pasada”, makatatanggap ang isang operator kada isang traysikel ng P150 fuel subsidy.

Sa 990,514 tricycle franchise owners na mabebenepisyuhan ng naturang programa, 27 porsiyento o 268,949 ay mula sa Calabarzon Region (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal and Quezon), 22 porsiyento or 221,392 naman ay mula sa Central Luzon Region, at 10.5 porsiyento o 103,986 mula sa Metro Manila.

Ipinalabas ang implemenatasyon ng alituntunin ng “Pantawid Pasada” program noong nakaraang Biyernes sa pamamagitan ng isang memorandum circular na inisyu sa kani-kanilang local government units (LGUs).

Ang programa ng DILG ay parte ni President Benigno Aquino III’s Public Transport Assistance Program (PTAP), na binuo sa pamamagitan ng kanyang Executive Order No. 32, na ang adhikain ay mabawasan ang impact ng mataas na halaga ng langis sa transport at commuter sector.

Iginiit pa ni Robredo na ang LGUs ang may kabuuang responsibilidad sa implementasyon ng subsidy program na sinimulan sa paghahanda at sertipikasyon ng listahan ng tricycle franchisees, tirahan at bilang ng operating tricycles na sakop ng programa.

Inatasan din ang local government officials na tiyakin na ang naroon lamang sa sertipaikasyon ang magbebenipisyo sa subsidiya.

“In case of any violation, the official authorizing the same shall be held responsible for whatever expenses the government incurred for not strictly following said issuances,” pahayag pa ni Robredo.

“We hope that through this program, we will somehow be able to help tricycle owners in bearing the brunt of the oil price increases,” dagdag pa ni Robredo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply