P15B nalugi sa gobyerno sa privatization ng MRT

BINATIKOS ang planong pagbebenta ng Metro Rail Transit-Light Rail Transit (MRT-LRT) dahil sa halip na kumita ng sariwang pondo ang pamahalaan, nalugi pa ng P15 bilyon sa kasunduan sa ilalim ng Public Private Partnership Program.

Ito ang binulgar nitong Linggo, Mayo 8, ni Sen. Ralph Recto na pawang pay-out ang P15 bilyon price tag sa privatization ng MRT-LRT sa nagwaging bidder at hindi kumita ang pamahalaan sa naturang kasunduan katulad ng ipinalalabas ng administrasyon.

“The people, before any translation is lost, should be informed that the P15-billion price tag for the bundled MRT-LRT privatization is the amount that government will pay to the winning bidder and not the amount that it would earn from the transaction,” giit ni Recto.

Sinabi ni Recto na simpleng ibig sabihin ng unang proyekto sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) Program na kaagad malulugi ng P15 bilyon, sa halip na makakalap ng sariwang kita sa desisyon na “ipamigay” ang dalawang mahahalagang mass transport system.

Inilantad ni Recto, chairman ng Senate ways and means committee, na ibabayad ng gobyerno ang naturang P15 bilyon sa nagwaging bidder na magpapatakbo at magmementine ng MRT-LRT lines.

Ipinaliwanag ni Recto na sa ilalim ng O&M contract (operated and maintain), hindi obligado ang nagwaging private operator na magpasok ng sariwang pondo sa pamamagitan ng karagdagang rolling stocks o coaches at rail infrastructure.

“If such is the case, this will give the PPP project a bad name. Later on, pag ganyan ng ganyan, aayaw ang tao dyan at magagalit sila,” giit niya.

Aniya, dapat pangatwiranan ng economic manager sa Palasyo ang P15 bilyong pay-out sa pribadong operator kumpara sa halos P7 –P8 bilyon na ilalabas ng gobyerno kada taon para sa subsidyo sa pasahe upang mapanatili ang mababang pasahe para lamang sa pasahero ng MRT lamang.

Sinabi pa ni Recto na ipinasubasta ng PPP ang MRT-LRT lines na dapat magresulta ng mas mababang halaga ng pasahe dahil idinidikta ng PPP na dapat makipag-unahan sa mababang singil sa pasahe at hindi makipag-unahan upang itaas ang pasahe.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply