P162M jackpot sa 6/55 Grand Lotto

SINO ang susunod na multi-milyonaryo sa gaganaping bolahan ng 6/55 Grand Lotto ngayong gabi, Mayo 2?

Tinatayang aabot sa P162 milyon ang itatalang jackpot sa bobolahing 6/55 Grand Lotto mamayang gabi sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa PICC compound sa Pasay City.

Walang pinalad na makahagip sa kumbinasyong 03-23-24-25-34-38 na may katumbas na premyo na P158, 314,053.60 noong Sabado kung kaya’t patuloy ang pagdagsa ng mga mananaya sa mga Lotto betting stations kahapon pa ng maaga para makaiwas sa inaasahang paghaba ng pila ng mga mananaya ngayon.

Ang ika-19 na bolohan sa 6/55 Grand Lotto ay magkakaloob ng ibayong kasabikan sa mga lotto games fanatics at afficionados na umaaasa sa petsa ng mga kaarawan, mahahalagang okasyon at mga pangyayari at maging sa orakulo para sa kumbinasyong tatayaan para magkapalad sa mga lilitaw na numero ngayong gabi.

Sa panig ng PCSO management, walang maaaksaya sa mga taya ng lotto bettors sa total na malilikom ay may mga bahaging porsiyento na ilalaan sa charitable undertakings ng PCSO at sa mga hinihiling na ambulansiya ng mga local government units (LGUs) na pinangangailangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply