P20-M corals, pawikan nakumpiska ng BOC

UMAABOT sa halagang P20 milyon ng mga black coral at mga pinatuyong pawikan ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Eva Macapagal Domestic Terminal, Miyerkules ng umaga, May 11.

Ang nasabing kontrabando ay nakalagay sa dalawang 20-footer container van, kung saan hindi ito nai-deklara ng isang nagngangalang Exequiel Navarro at ipinalabas lamang ito na goma (rubber).

Ayon kay Customs Commisisoner Angelito Alvarez, ang illegal shipment ng black corals at pinatuyong pawikan ay nagmula umano sa Cotabato sa Mindanao.

Sinabi naman ni Customs Deputy Commissioner for Enforcement, Horacio P.Suansing, na isinagawa ang inspeksyon sa pinagsanib na puwersa ng Customs personnel at experts mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic resources (BFAR) kung saan napag-alaman na ang nasabing kontrabando ay naglalaman ng “sea fans” at black corals, o tinatawag na “Antipatharia”.

“The illegal trade in black corals is being fueled by the demand of the multi-billion dollar marine ornamental industry for exotic decorative species and the increasing popularity of coral-accented jewelries and fashion accessories,” pahayag ni Alvarez.

Ayon naman sa BFAR, ang coral reefs ay ang pinaka life-producing sa lahat ng ecosystems sa mundo. Ito rin ang ginagawang tahanan ng lahat ng uri ng marine species, tulad ng isda at invertebrates.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso si Navarro base na rin sa Section 91, Republic Act 8550 na kilala bilang Fisheries Code of 1998, “prohibiting any person or corporation to gather, possesss, sell or export ordinary, precious and semi-precious corals, whether in raw or in processed form.

May kaukulang parusa na anim na buwan hanggang dalawang taong pagkabilanggo at may multa na P2,000 hanggang P20,000.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply