P205-M Grand Lotto 6/55 jackpot pinananabikan

PINANABIKAN at umaasam ang marami sa sasampang P205 milyong jackpot sa bobolahing 6/55 Lotto mamayang alas-nuwebe ng gabi sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) drawing office sa PICC compound sa Pasay City.

Kasunod ito ng walang makaasinta sa winning combination na 39-41-49-51-52-55 draw noong Lunes ng gabi, Mayo 9, na may katumbas na P195,571,353.60 jackpot prize.

Maging ang kumbinasyong 02-15-16-37-40-45 sa 6/45 Mega Lotto na may katumbas na P33,390,419.40 ay pinagkakaguluhan na din ng mga lotto games aficionados.

Umaasa ang mga mananaya na ibayo pang pagtataas sa jackpot ng dalawang paboritong lotto games kapag muling nakalusot ang mga maiilap na numero na tinatayaan ng mga maraming umaasa na ibinabatay ang kanilang inaakalang suwerteng numero sa petsa ng mga birthday, mahahalagang okasyon, at sa panaginip.

Sa panig ng mga naayudahan sa medical treatment at iba’t ibang personahina, humihiling ng health assistance ay magkahalong galak at kasalikan tuwing gaganapin ang bolahan dahil patuloy ang PCSO sa pagtugon sa kanilang mga panawagan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply