P20K multa sa korte dinedma ni Marlene Aguilar

BINALATUBA ni Marlene Aguilar-Pollard, ina ng road rage suspect na si Jason Ivler ang korte makaraang hindi nagbayad ng P20,000 multang ipinataw sa kanya ng hukuman matapos ma-contempt sa paghahamon sa hukom na magsuntukan na lang sila noong Marso 23.

Nagsumite ng mosyon si Aguilar na humihimok kay Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 219 Judge Bayani Vargas na isantabi na lamang ang kautusan ng huli na nagpapataw ng multa sa kanya.

“Mrs. Aguilar has legitimate concerns, but what can she do? Stage a protest? Call a press conference? Have a rally? Would that even get the attention of the court?” anang abogado ni Aguilar na si Joseph Sajandoy Jr., sa kanilang dalawang pahinang petisyon.

Iginiit ni Aguilar na ang contempt ay kasong kriminal na kinakailangang dumaan sa tamang proseso.

Ayon kay Judge Vargas, binigyan si Aguilar ng 10 araw mula noong Marso 31 para maghain ng sagot kung bakit hindi siya dapat ma-cite for contempt sa paghahamon niya ng suntukan sa hukom.

Aniya, nabigo si Aguilar na makasunod sa itinakdang panahon ng korte.

Ipinaliwanag naman ni Aguilar na naghain siya ng sagot noong Abril 11 sapagkat napaso ang palugit na ibinigay sa kanya noong Abril 10 na pumatak sa araw ng Linggo.

Binigyan pa ng panibagong pagkakataon ng hukuman ang ina ni Ivler hanggang Abril 17 pero dahil araw din ito ng Linggo, ayon kay Aguilar, napilitan ang kanilang mga abogado na sina Priscilla Marie Abante at Sajandoy na isumite ang sagot sa pamamagitan ng koreo noong Abril 18.

Inakusahan pa ni Aguilar ang hukom na hindi umano patas ang pagtrato sa kanya kaya naman verbal na hiniling ng mga abogado ni Ivler sa isang paglilitis na mag-inhibit na lamang si Vargas.

Nabatid naman mula sa mga kawani ng korte na hindi pa nagsusumite ng motion for inhibition ang kampo ni Aguilar na binigyan ng hanggang Mayo 19 palugit para maihain sa korte ang nasabing dokumento.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply