P21.4M ilalaan para sa mga programang panglipunan

MAGLALAAN ng P21.4 milyon halaga ang mga kumpanya ng minahan at Industrial Sand & Gavel Permittees sa Gitnang Luzon para sa kani-kanilang mga programang panlipunan o Social Development and Management program (SDMP).

Ayon kay Mines and Geosciences Bureau information officer Flor Miranda, ang Holcim Philippines Inc.-Bulacan Plant ang may pinakamalaking SDMP budget na umabot sa P4 milyon.

Sinundan ito ng Benguet Corporation na may P3.4 milyon, Republic Cement Corp.- Bulacan Plant (RCC-Bul) na may P2.9 milyon, Republic Cement Corp.-Norzagaray Plant (RCC-Nor) na may P2 milyon, at Eagle
Cement na may P1.1 milyon.

Paliwanag ni Miranda, ang SDMP ay isang limang-taong plano na naglalayong mapabuti ang mga komunidad na nasa loob o malapit sa mga mining companies sa pamamagitan ng konstruksyon ng mga ospital, tulay,
paaralan, simbahan at daan; pagsasagawa ng iba’t ibang skills training; pagtatatag ng mga livelihood associations at implementasyon ng reforestation at waste management projects.

Inaatasan ng Section 134 ng Administrative Order No.2010-21 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng korporasyon sa industriya ng pagmimina na ilaan ang hindi bababa sa 1.50 porsyento ng kanilang operating costs kada taon para sa nasabing programa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply