P225-M shabu, marijuana nasabat

TIMBOG ang isang Chinese national matapos itong mahulihan ng marijuana at shabu na nagkakahalaga ng P225 milyon sa Sta. Cruz, Maynila, Miyerkules ng madaling araw, Mayo 18.

Hawak na ngayon ng pulisya ang suspek na si William Dy na nasa hustong gulang.

Sa imbestigasyon, naaresto ang suspek dakong alas-dos ng madaling araw matapos na makatanggap ng impormasyon ang pulisya na paikot-ikot ang suspek sakay ng kanyang kotse sa nasabing lugar gayong nasa alanganing oras na.

Agad namang nagresponde ang mga awtoridad at nang inspeksyunin ang dalawang malaking bag nito sa loob ng sasakyan ay naglalaman pala ito ng 44.5 kilo ng shabu at 2 kilo ng marijuana na aabot sa P225 milyon ang kabuuang halaga.

Hinala ng pulisya, maaari umanong sa mga kapwa Chinese din ide-deliver ng suspek ang mga nakuhang iligal na droga dahil hindi ito marunong magsalita ng Tagalog.

Dadalhin naman sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nakumpiskang iligal na droga habang inihahanda ang kasong isasampa laban kay Dy.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply