P24M inilaan sa babaeng OFWs na nawalan ng trabaho

INILUNSAD na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang programa na “Balik-Pinay, balik hanapbuhay”  isang integration project para sa mga babaeng Overseas Filipino Workers (OFW) na nawalan ng trabaho sa ibang bansa.

Layunin ng naturang programa ang tulungang magkaroon muli ng trabaho o magkaroon ng sariling negosyo ang mga babaeng OFWs na napablik mula Arab at Northern Africa, dahil na rin sa pang-aabuso ng kanilang mga employers o mga kaguluhang nangyayari sa ibang bansa.

Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, katulong nila ang Technical and Skills Development Authority (TESDA) para turuan ang mga OFWs na magkaroon ng mga kaalamang puwede nilang magamit para sa paghahanap ng mga in-demand na trabaho sa ibang bansa.

“We aim to equip returning women OFWs with skills that are highly in-demand in the local market so as to increase their chances of finding better job opportunities,” ayon kay Baldoz.

Kabilang sa oportunidad sa pagnenegosyo sa ilalim ng programa ang health and wellness business, reflexology, massage, hone SPA, comsmetology, paggawa ng bath soap scented oil, herbal medicine, skin/health care products.

Nabatid na P24 milyon ang inilaan ng pamahalaan sa naturang programa kung saan bawat beneficiary ay  makatatangap ng P5,000 hanggang P17,000 para sa livelihood package. Amor Virata

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply