P270 million jackpot prize tatamaan sa lotto

TINATAYANG aabot ng P270 million ang magiging jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 mamayang gabi ayon ito mismo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Noong huling draw nito ay umabot na ng P249,671,970.00 ang naging jackpot at bigong mapanalunan ng kahit sinuman. Ang lucky number combination na lumabas noong huling bola nito ay 21-34-54-43-28-19.

Patuloy ang pagdami at paghaba ng pila ng mga mananaya sa mga lotto outlets sa buong bansa dahil sa laki ng papremyo.

Inaasahang nakatutok ang karamihan ng mga pilipino mamayang gabi sa draw ng 6/55 na gagawing live sa tanggapan ng PCSO sa may PICC Complex.

Mga araw ng lunes, miyerkules at sabado ginaganap ang draw para sa Grand Lotto 6/55.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply