P3 milyon nalugi sa LRT

AABOT sa P3 milyon halaga ang nalugi sa pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LTRA) matapos ang dalawang araw na tigil operasyon ng LRT line 1 mula Blumentrit station hanggang Roosevelt station Quezon City.

Sinabi ni LRTA spokesman Atty. Hernando Cabrera, libu-libong pasahero ang naapektuhan dahil sa maintenance work sa signaling system na isinagawa sa mga tren.

Kanina ay idineklara ng pamunuan ng LRTA na balik na sa normal ang todong operasyon ng LRT 1 matapos matigil noong Sabado.

Iniulat pa ni Cabrera na taliwas sa mga naunang advisory na aabot ng tatlong araw ang maintenance work, umabot lang ito ng dalawang araw dahil sa mabilis na paggawa ng kanilang mga tao.

Aniya, isinagawa nila ang maintenance work noong Sabado at Linggo para hindi masabay sa pagdagsa ng mga pasahero sa panahon ng pasukan ng mga estudyante sa buwan ng Hunyo.

Ayon naman kay Administrator Rafael Rodriguez, nakumpleto na ang integrasyon ng buong Line 1 signaling system na mas maaga kaysa sa orihinal na schedule.

Iniulat pa na umaabot sa kalahating milyon katao ang sumasakay sa LRT 1 araw – araw sa biyaheng Baclaran – Roosevelt.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply