P4.23B ayuda para sa magsasaka, mangingisda

AABOT sa dalawang milyong maliliit na magsasaka at mangingisda sa buong bansa ang makikinabang sa P4.23 bilyon “Rice for Work Program” ng pamahalaan pagsapit ng Mayo 15.

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development Secretary Corazon Juliano-Soliman nang humarap ito sa mga miyembro ng media sa Communication and News Exchange (CNEX) Forum na ginanap sa Philippine Information Agency (PIA).

Ayon kay Soliman, layon ng “pinaagang” rice subsidy program ng pamahalaan na bigyang-ayuda ang mga benepisyaryo sa oras na mas kinakailangan nila ito gaya ng sa panahon ng tag-tuyot o katatapos pa lamang ng anihan.

Ipagkakaloob sa kanila ng DSWD ang tulong na katumbas ng 14 na araw na sahod sa loob ng isang buwan.

“Magtatrabaho sila at kapalit noon ang pagbibigay namin ng bigas,” ani Soliman.

Kabilang dito ang paglilinis at paghahanda ng mga sakahan para sa susunod na taniman at pag-kukumpuni ng mga bangka at tindahan ng isda.

Tatanggap aniya ang mga benepisyaryo, ng bigas, pera o voucher mula sa DSWD na maaari naman nilang makuha mula sa pinakamalapit na lokal na pamahalaan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply