P40M inilaan para sa disaster management ng LGUs

NAGLAAN ang administrasyong Aquino ng P40-milyon pondo sa apat na taong programa ng pamahalaan upang mapalakas ang kakayahan ng mga local government unit (LGU) sa paglaban sa sakuna na dulot ng mga natural na kalamidad.

Iniulat ni Interior Secretary Jesse Robredo kay Pangulong Benigno Aquino III, ang naturang pondo na ipinalabas ng kanyang kagawaran bilang tugon sa pinaiiral na zero casualty ng Malakanyang sa oras ng kalamidad.

Ani Robredo, ang pondo na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM) sa Department of the Interior and Local Government (DILG) ay naaayon sa nilalaman ng Republic Act (RA) 9729 o ang Climate Change Act of 2009.

Sa batas, binibigyan nito ng mandato ang DILG na pangasiwaan ang mga pagsasanay sa bawat LGU ukol sa mga gawain para malabanan ang climate change.

Sakop ng pondo ay ang pagtatayo ng mga balon, taga-ipon ng tubig ulan, pagdiskubre ng mga bukal at pagsasa-ayos ng mga kasalukuyang poso sa mga barangay na nakasaad naman sa RA 6716.

“Enhancing LGU Capacity on Climate Change Adaptation and Disaster Risk Management, intends to benefit 360 cities and municipalities all over the country to help build their resiliency to cope with and respond to natural disasters and adapt to climate change,” paglalarawan pa ni Robredo sa naturang proyekto.

Iniulat din ni Robredo, mula sa 360 LGUs, 120 munisipalidad ang matutulungan sa disaster risk reduction at climate change sa pamamagitan ng maagap na pagpaplano sa banta ng kalamidad habang 240 bayan at siyudad naman ang mabibigyan-daan sa credit financing para sa pagpapatayo ng mga gamit na mag-iipon sa patak ng ulan.

“Through this project, our disaster-prone LGUs will be more capable and ready to manage the consequences of disasters and the phenomenon associated with climate change,” ani Robredo.

Sa ulat, ang Pilipinas ay nasa ika-8 puwesto sa mga bansa na madalas na tamaan ng kalamidad, at 60 porsyento ng kalupaan ng bansa ay nananatiling mapanganib sa disaster habang 74 porsyento naman ng populasyon ang apektado ng naturang banta sa buhay.

“By the end of this project, we hope that there will be reduced disaster risk on human settlements, livelihood and infrastructure, and zero or less casualties and minimum damages to properties,” deklara pa ni Robredo, vice chairman din ng Disaster Preparedness sa ilalim ng Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply