P5 bayad sa kada plastic bag na gagamitin

PAGBABAYARIN ang mga customer ng mga malalaking tindahan, supermarket, food chain at kahalintulad nitong establisimyento ng P5 sa bawat plastic na magagamit sa kanilang pagbili.

Ito ang nilalaman ng House Bill 4462 ni Rep. Mark Aeron Sambar (PBA Party-list), na naglalayong maisulong na mabawasan ang paggamit ng plastic bag na kapag naging basura at bumara sa mga daluyan ng tubig ay pagsisimulan ng baha na nagdadala ng sakit at pinsala sa mga tao.

Isinasaad din ng nasabing panukala na tinatawag na “Plastic Bag Use Disincentive Act of 2011,” ang pondong makakalap dito ay ilalaan sa mga programa at aktibidades para labanan ang polusyong dulot ng mga basura mula plastic bag.

Ang nasabing bayad sa plastic bag ay hindi ito magsisilbing sales tax kundi ito ay may hiwalay na resibo bilang “Plastic Bag Pollution Clean up Charge.”

Nakasaad sa panukala ang Department of Natural Resources (DENR) ang siyang tagapagpatupad nito at ang makokolekta mula sa “Plastic Bag Pollution Clean up Charge” ay idedeposito para sa Plastic Bag Pollution Fund.

“The fees collected shall be used solely for projects to lessen the use of plastic bags and to promote the use of reusable bags,” pagdidiin ni Sambar.

Kabilang sa tinukoy na proyekto para dito ay ang pagbuo ng in-store educational materials para ipabatid sa mga  customers na muling gamitin (i-recycle) ang plastic bags at ilan pang educational campaign at serbisyo publiko sa pagsuporta sa mga pollution prevention, pagpapatupad ng kalinisan sa kapaligiran at maging sa pagprotekta sa kalidad ng tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply