P6.4-M smuggled onions nakumpiska sa Davao port

NAKUMPISKA ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang walong 40-footer container vans na naglalaman ng sibuyas sa Davao Port makaraang mabigong magpakita ng kaukulang dokumento ang importer sa ipapasok na items.

Ayon kay Edmundo Magdaraog, acting district collector ng BOC Davao, ang kalakal ng mga produkto ay galing sa China na tumitimbang ng 130,000 kilograms at nagkakahalaga ng P6.4 milyon.

Ang ipupuslit na produkto ay nakalaan para dalhin sa  Red Jaguar Merchandise, nakabase sa kompanya sa Davao na regular na nag-i-import ng ng sibuyas sa China.

Batay sa record, sinabi ni Magdaraog na ang naunang importasyon ng red Jaguar Merchandise ay pawang may valid Phyto-sanitary certifications (PSC) mula sa lugar na pinanggalingan at dumaan quarantine clearances sa Bureau of Plant Industry.

Samantala sinabi naman ni quarantine service officer Ramon Miloria na hindi pinahihintulutan importasyon ng sibuyas dahil napakaraming supply ng sebuyas sa lokal na merkado ngayon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply