P7-B pondo para sa repair ng classrooms iniutos

IPINALABAS na ng Malakanyang sa Department of Budget and Management (DBM) ang P7-bilyon pondo para gugulin sa pagsasaayos ng may 8,997 silid-aralan sa buong bansa bilang paghahanda sa muling pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Ito ang kinumpirma ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte sa naging direktiba ni Pangulong Benigno S. Aquino III kay DBM Secretary Florencio Abad alinsunod na rin sa pangako ng administrasyon na magkaloob ng dekalidad na edukasyon sa mga estudyante sa pampublikong eskuwelahan.

“The targeted 8,997 classrooms are expected to accommodate around 404,865 students,” ani Valte sa mga mamamahayag.

Ayon kay Valte, isinusulong ng Palasyo ang pagkakaroon ng quality education dahil ito ay mabisang armas para sa pag-unlad ng bansa at pag-angat sa kalidad ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pinoy.

Kinumpirma naman ng DBM Chief ang ipinalabas na P7-bilyon pondo sa Department of Education (DepEd) na mangangasiwa sa construction at repair ng mga classrooms upang tugunan ang taun-taon na problema sa kakulangan sa silid-aralan tuwing sasapit ang pag-bubukas ng klase sa bansa.

Idinagdag pa ng Kalihim na sa taong 2011, dinagdagan ang badyet ng DepEd ng P32.3-bilyon para sa kabuuang P207.3-bilyon na pinakamalaking karagdagang pondo sa nakalipas na dekada.

Aniya, ang paglobo ng pondo ng DepEd sa ilalim ng administrasyong Aquino ay naglalayon na maliban sa pag-aayos ng naturang classrooms ay pagkukunan din ito ng badyet para sa mga bagong guro, pagbili ng mga libro at iba pang aktibidad na may kaugnayan sa pagtataas sa antas ng edukasyon sa bansa.

Sinabi pa ni Abad na P1-bilyon ang gagamitin sa mga classrooms sa National Capital Region (NCR), P841 milyon naman sa Region IV-A, P660.311 milyon para sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) at P562 milyon para naman sa Region VII.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply