P7M natipid ng Senado sa pagbibitiw ni Merci

AABOT sa mahigit P7 milyon ang natipid ng Senado sa gagastusin sana sa pagdinig ng impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez, ngunit umabot na sa mahigit kalahating milyong na naunang nagastos ng Mataas na Kapulungan sa paghahanda.

Inihayag ito Senate President Juan Ponce Enrile matapos tukuyin na bumili ng ilang makabagong computer ang Senado na gagamitin sa paglilitis kay Gutierrez upang mapadali ang proseso.

“Mga P7 milyon (natipid) siguro… We are controlling the expenses of the Senate,” giit ni Enrile.

Sakaling natuloy ang paglilitis, sinabi ni Enrile na dapat bibili ng makabagong computer machines at iba pang gamit ang Senado na gagamitin sa paglilitis.

“(Sakaling natuloy, bibili sana ) ng  mga computer machines, and so forth and so on, supplies, pagkain pati ang toga,” giit ni Enrile.

Kaya, sinabi ni Enrile na upang makatipid ang Senado sa gastusin kung sakaling natuloy ang paglilitis, inatasan nito ang House prosecution panel na panipisin ang presentasyon ng ebidensiya kabilang ang depensa upang makatipid sa panahon.

“Kaya sinabi ko yung mga prosecutors must compress the presentation of evidence and then yung defense, ganun din eh. Betrayal of public trust lang yun, makikita kung anu-ano yung committed na betrayal of public trust,” ayon kay Enrile.

Ngunit, sinabi naman ni Enrile na nagkaroon ng inisyal na gastusin ang Senado sa halagang kalahating milyong na ipinambili ng ilang gamit tulad ng toga na dapat susuotin ng mga senator-judge na didinig sa paglilitis.

“Siguro we made some expenditures  that’s not more than half a million. Yun ang estimate ko ha. Yun lang aking estimate. Just an estimate. Dahil hindi ako ang humahawak,” ayon kay Enrile. Ernie Reyes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply