Paa nabubulok, kelot nagpakalunod sa alak, tigok

DAHIL sa nabubulok na mga paa kaya nagpakalunod sa alak ang 50-anyos na tindero ng gulay hanggang hindi na nagising sa Sampaloc, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Roberto Marcelo, tubong Maynila at namamalagi sa 671 V. G Cruz St., Sampaloc.

Sa report ni SPO3 David Tuazon, adakong 8:00 ng umaga  nang madiskubre ang biktima ng kanyang katabing tindero  na hindi na humihinga sa kanyang puwesto  sa V.G Cruz St. at M. dela Fuente St., sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na namamalagi na lamang si Marcelo sa tabing kalsada sa palengke kung saan siya nagtitinda dahil na rin umano sa kanyang karamdaman.

Ayon kay Tuazon, nabubulok na ang dalawang binti ng biktima na pinaniniwalaang dahil sa sakit nitong diabetes.

Sa imbestigasyon, nabatid sa ilang co-vendor ng biktima na nabubulok na paa ng biktima ang kanilang hinalang dahilan kaya nagpakalunod sa alak ang biktima hanggang hindi na magising.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply