Pabahay prayoridad ng pamahalaan

TINIYAK ni Speaker Feliciano Belmonte Jr. na nananatiling nakatuon sa isyu ng pabahay ang Kongreso bilang isa sa mga prayoridad ng gobyerno upang mapabuti ang kalidad ng pamumuhay ng bawat Filipino.

Ayon kay Belmonte, ang paglikha ng Department of Housing and Urban Development ay isa sa 23 prayoridad na panukala na kinilala sa huling pagpupulong ng Legislative Development Advisory Council (Ledac), na pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Tiniyak din ng Speaker na ito ang isa sa mga pangunahing malasakit ng Kamara de Representantes.

Kumpiyansa si Belmonte na bago matapos ang Disyembre 2011 ay nakahanda na ang House committee on housing and urban development, sa pamumuno ni Rep. Rodolfo Valencia, at House committee on government reorganization, na pinamumunuan ni Rep. Cesar Jalosjos, na takalayin ito sa plenaryo.

“Mahabang panahon na ring naghihintay ang ating mga kababayan. Kailangan nang lumikha ng departamento para matugunan ang kakulangan sa serbisyo ng pabahay,” sabi ni Valencia.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply