Pabahay sa mga sundalo at pulis tiniyak ni PNoy

KAPURI-PURI ang pagtupad ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pangako na pagkalooban ng disenteng tahanan ang matatapang  na mga kasapi ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.

Pinangunahan ng National Housing Authority batay sa Administrative Order No. 9 na nilagdaan ng Pangulo noong Abril11, 2011. Dito pa lang ay kitang-kita na natin kung gaano kaseryoso si PNoy na tuparin ang kanyang pangako sa mga kapulisan at kasundaluhan.

Kamakailan  inilunsad ni Pangulong Aquino ang Bocaue Hills Housing Projects sa Bgy. Batia, Bocaue, Bulacan na inisyal na magkakaloob ng 4000 low cost housing units na P140,000 bawat isa at bahagi ng unang tranche na kumakatawan sa kabuang 20,000 tahanan.

Sa ilalim ng magandang programa ng Pangulo, P200 lang ang buwanang amortization ng bawat benepisyaryo sa unang limang taon habang P400 hanggang P800 ang buwanan sa susunod na 30 taon.

Batid ng Pangulo sa simula pa lamang ang malungkot na kalagayan ng mga pulis at sundalo na walang  tahanan at nagbabayad ng pinakamababang P3000 buwanang renta sa Metro Manila.

Sa kanilang pagtiyak sa kaayusan at kapayaan ng bansa, nais ng Pangulo na manatili sa ligtas na tahanan ang pamilya ng bawat pulis at sundalo.

Hindi rin  matatawaran ang mababang puso ni PNoy para sa kalagayan ng mga magsasaka at mangingisda.
Kamakailan muling tiniyak ng Pangulo ang walang humpay na pag-ayuda ng pamahalaan  sa pagkakaloob ng tulong at mga proyekto para sa kanila.

Naririyan halimbawa ang  konstruksyon ng irrigation canals, farm to market roads, modernong kagamitan sa pagsasaka at pangingisda at maging sa diskarte sa pagbebenta ng kanilang mga ani.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply