Pabango ni Hayden nilalangaw

NAGTITIPID na ba si King of Scent Joel Cruz? Dati- rati ‘yung kanyang mga pabango ay umaalingasaw sa bango. Ngayon, mas okey pa ang mga pabangong ginagamit ng mga baby. Mura pa.

Lately, isang kaibigan ang nagbigay sa amin ng perfume na gawa ng kompanya ni Joel. sinunggaban agad namin dahil libre  at tiyak na swabe ang amoy dahil gawa nga niya. Pero wala, hindi namin masinghot ‘yung dating halimuyak na gawa ng isang kilalang hari ng pabango sa bansa.

Ang reaksiyon nga ng ilan, bumababa raw ‘yung kalidad ng pabango pero ‘yung presyo tumataas naman.

Mabuti na lamang at nakipagsosyo si Sharon Cuneta sa Zen Zest. Akala namin magtitiis na lamang kami sa dinurog na alcampor o kaya’y albastros. Hehehe!

Uy! Hindi kami nagpo-promote rito. At lalong hindi namin pinapaboran ang mga produkto na iniendorso ni Sharon.

Nagkataon lang na nu’ng maghanap kami ng pangontra sa aming pawis, may nag-tip sa amin na okey raw ang perfume ni Mega, mura na ang bangu-bango pa. Kahit saan pwede pa itong mabili. Kung minsan nga lang, out-of-stock sa mga lugar na puntahan ng masa tulad ng Quiapo at Divisoria.

Ang masaklap, itong pinagmamalaking pangwisik ni Hayden Kho. Kahit kasi kasi ihilamos mo at ibuhos sa ‘yong katawan, maya-maya lang wala ka na raw maamoy.

Ngayon lang namin napagtanto na totoo pala ang tsismis na sa ibang mall na-pull- out na ang business ni Hayden, samantalang may ibang tindahang ayaw na ring magtinda ng kanyang produkto. Nakapapagod na raw bumugaw ng langaw.

Imagine, pabango, nilalangaw? Hahahaha!

In fairness kina Joey at Hayden, pwede nang pang-araw-araw ang kanilang mga paninda.

Iyon nga lang, itama dapat sa presyo ‘yung kalidad ng produkto. Kung kulang sa amoy, pwede na ang P10 per 50ml. Hehehe!

Hindi rin natin masisisi ang publiko kung di man nila tangkilikin itong produktong ipinagmamalaki ng boyfriend ni Dra. Vicki Belo dahil sa isyung nakakulapol sa kanya.

***

BLIND eye muna tayo. Ang mga bida natin dito ay tawagin na lamang nating “The Three Musketeers” ng gobyerno.

Hindi po malayo sa showbiz ang mga bida natin dito dahil ang bawat isa sa kanila ay may konek sa industriya ng pelikula.

‘Yung isa na may mataas na posisyon ay may kadugo sa katsang telon. Nagtataka ang marami dahil ang daming babaing nali-link sa kanya pero lahat ay hindi nagtagal.

Ang pangalawa ay kahihiwalay lang sa asawa. Shocked ang lahat dahil ang alam ng lahat masaya silang nagsasama ng kaniyang misis.

Ang pangatlo, kababalik lang sa puwesto. Kahihiwalay din sa kanyang esmi.

Ngayon, mukhang may pagkakapareho ang kapalaran nila, noh?

Well, tropa sila hindi dahil sa pare-pareho ang istorya ng kanilang lovelife kundi iisa ang kanilang hilig…nota! Hahaha!
Kaya pala sila kampi-kampihan. Hehehe!

Itong pangalawang bida natin ay may modelong kachurvahan na dating taga-GMA 7. Maskulado at gwaping ang lalaki pero hindi sikat. Pinagselosan ito ng labis ng kanyang asawa kaya nauwi sa wala ang kanilang matrimonya.

Kung tatakbo uli siya sa puwesto niya ngayon, iyon ang hindi natin alam.

Samantala, itong pangatlong bida natin ay nakipagkalas sa misis n’ya dahil hindi feel ang dyug. Mas gusto pa raw nito ang magliwaliw kasama ang mga brusko sa gobyerno.

At ang mahilig sa tsiks kunong opisyal, susme! mas malambot pa sa dalawa niyang friends.

Sinetch?

Hala, sige, hula na at your own risk! Hahahaha!

***

Para sa inyong mga suhestiyon at reaksiyon, magtext lamang sa aming cell phone nos. 09324701434 at sa 09351851227.

Pwede rin kayong magpadala ng mensahe sa aming email add. sa kuya_abepaul@yahoo.com.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply