P.1-M sa magngunguso sa killer ni Simbulan

MAGBIBIGAY ng P100,000 pabuya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa makapagtuturo sa tumakas na bus driver na nakabangga sa taksing sinasakyan ng journalist na si Lourdes “Chit” Estella-Simbulan sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Biyernes.

Ani Chairman Francis Tolentino, ang pabuya ay para sa agad na ikadarakip ng drayber ng bus na Universal Guiding Star Bus Line na nakabangga sa sinasakyan ng lady journalist na naging sanhi ng kamatayan ng biktima.

Nauna nang pinatawan ng 30-day preventive suspension ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Universal Guiding Star.

Samantala, pinaghahanap din ng Quezon City Police District operatives ang isa pang bus driver na sinasabing sangkot din sa naganap na insidente.

Sa imbestigasyon, lumalabas na isa pang bus ang gumitgit sa taxi na kinalululanan ni Simbulan bago iyon salpukin ng Guiding Star.  

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply