Pacman ‘hipokrito’

INILARAWAN bilang isang hipokrito si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ng isang kasamahan sa Kamara de Representantes.

“Pacquiao does not practice what he preaches,” ayon kay CIBAC Rep. Sherwin Tugna sa isang panayam sa Remate Online.

Tinukoy ni Tugna na bagama’t mahigpit na tumututol sa Reproductive Health (RH) bill si Pacquiao ay umamin ang may-bahay nitong si Jinkee na gumamit siya ng pills upang magkapatlang ang kanyang pagbubuntis.

Ang mag-asawang Pacquiao ay may apat na anak, kabilang ang dalawang lalaki at dalawang babae.

Samantala, nakasingit sa may 36 na nakapilang mag-i-interpellate sa pangunahing may-akda ng RH bill na si Minority Leader Edcel Lagman ang pound-for-pound na si Pacquiao.

Sa sesyon ngayon ay tatayo si Pacquiao upang kontrahin ang pagpapasa sa RH bill kasunod ng kaniyang pakikipagpulong sa mga opisyal ng CBCP.

Inihayag ni Lagman sa press conference ng minorya na pumayag si Garcia na singitan siya ni Pacquiao sa interpelasyon ngunit hindi aniya ito ikinagulat ng mga pro-RH lawmakers.

“Neither the pulpit or the boxing ring will be able to address fully the impoverished multitude,” sinabi pa ni Lagman.

Naniniwala naman si Assistant Minority Leader at Zambales Rep. Mitos Magsaysay na karapatan ni Pacquiao ang magsalita sa mga isyung kaniyang pinaniniwalaan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply