Pacman ipinagtanggol sa pag-absent sa Kamara

IPINAGTANGGOL ngayon ng liderato ng Kamara ang mahabang pagliban sa sesyon ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao na ngayon ay nasa Estados Unidos pa matapos mapanatili ang kaniyang korona at mapataob ang Amerikanong si Sugar Shane Mosley.

Ani, House Speaker Feliciano Belmonte Jr. nauunawaan niya at ng mga kongresista ang palaging pagliban sa sesyon at sa mga committee hearings ng pound-for-pound king.

Sinabi ni Belmonte na ganito rin ang pang-unawa ng mga nakakaraming kongresita.

Paliwanag pa ng speaker, naging mahaba ang paghahanda ni Pacquiao sa kaniyang laban kay Mosley at kapag natapos ang laban nito ay nangangailangan din ng sapat na pahinga.

“I admired Pacquiao, I want to honor him. I’m happy that we continue to have quorum, substantial numbers, I’m happy about that,” ani Belmonte.

Nangako naman aniya si Pacman na sa muling pagbabalik nito ay magtatrabaho na siya ng husto para sa kapakanan ng mga kababayan nito sa Sarangani na iniwan nito ng matagal na panahon.

Posible naman umanong alukin ng liderato ng Kamara si Pacquiao na maging vice-chariman ng House Committee on games and amusement bunsod na rin sa malaking kontribusyon at nalalaman nito sa larangan ng palakasan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply