Pacman ‘kinutya’ sa pangarap na maging pangulo

WARING kinutya pa ni Senate President Jinggoy Estrada si Sarangani Rep. Manny “Pacman” Paquiao sa pangarap nitong maging presidente ng bansa dahil sa wala pa aniya ito sa tamang edad alinsunod sa itinakda ng batas.

Sinabi ni Estrada na susuportahan niya si Pacman sa pangarap nitong maging presidente ng Pilipinas kung “matutupad” ng pound for pound king ang pangangailangan ng Saligang Batas na dapat ay nasa tamang edad at kakayahang mamuno ng bansa.

Ayon kay Estrada, hindi niya tututulan ang hangarin ng kumpare nitong si Pacquiao na tumakbo sa pampanguluhang halalan kung sadyang seryoso ang hangarin nitong pagsilbihan ang sambayanan.

“Ok ako sa pagtakbo niya, sundin lang niya ang requirement ng Konstitusyon,” anang  senador.

Idinagdag pa nito na hindi dapat alalahanin ni Pacquiao ang kanyang pinag-aralan dahil tulad ng kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada ay hindi rin ito nakapagtapos ng kolehiyo subalit minahal ng masa dahil sa sinserong paglilingkod sa bayan.

Inihayag ni Pacquiao ang planong pagtakbo sa pagka-senador at pagka-presidente kapag narating na niya ang age requirement.

Nauna nang sinabi ni Sen. Manny Villar, presidente ng Nacionalista Party (NP) na kinaaaniban ni Pacquiao na hindi pa makakatakbo sa 2013 senatorial elections ang pound for pound king dahil sa ‘underage’ pa.

Si Pacquiao ay 32 taong gulang pa lamang dahil dito, sa 2016 elections pa maaaring makatakbo sa pagka-senador si Pacquiao pagsapit niya ng 37 taong gulang.

Para makatakbo sa pampanguluhang halalan, kailangang 40 taong gulang ang kandidato kung kaya sa 2022 elections pa makakatakbo sa pampanguluhan si Pacquiao.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply