Pacman, Marcoleta nagkasundo sa pagbasura sa Divorce Bill

MAGKASALUNGAT man ang paninindigan sa kontrobersyal na Reproductive Health bill ay nagkasundo naman sina Sarangani Rep. Manny Pacquiao at Alagad partylist Rep. Rodante Marcoleta sa pagbasura sa divorce bill.

Ani Pacquiao, hindi mabuting watak-watak ang pamilya lalo na sa mga politiko na dapat ay buo.

“Hindi ako pabor sa divorce dahil katulad ko isang politician, pangit iyong watak-watak ang pamilya mo. Ang pamilya ay napakahalaga sa atin, especially sa aming mga politiko.  Ang pamilya dapat ay buo kung hindi po ay wala kang magandang pangalan or hindi ito maganda sa Panginoon,” sinabi pa ni Pacquiao na ang tutol din sa RH bill.

Para kay Pacquiao, ang kasal ay sagrado dahil sumumpa ka hindi lamang sa nagkasal kundi lalo na sa Panginoong Diyos.

Ganito rin ang paninindigan ni Alagad Partylist Rep. Rodante Marcoleta sa pagsasabing “iyong ating political foundation shall always base on a family.  The smallest unit of our society is always the family.  I think politically ito ang pinaka-basis why we should not entertain any law that might attack or weaken the foundation of our family.”

Binigyang diin pa ni Marcoleta, isa sa nagsusulong ng RH bill na may pronouncement dito ang Panginoong Diyos na ang “pinagsama ng Diyos ay huwag paghihiwalayin ng sinuman.”

Sa panig naman ni Sorsogon Rep. Salvador Escudero III ay sinabi niyang “nakakatakot iyan dahil kapag naaprubahan ay baka milyon ang mag-file ng divorce.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply