Pacman nilektyuran ni PNoy ukol sa RH bill

SA COURTESY call ni Pambansang Kamao at Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III Biyernes, ipinresenta ng una sa huli ang pirmado niyang boxing gloves, t-shirt, jacket at DVD copy ng laban nit okay Shane Mosley.

Bilang ganti, binigyan ni Pangulong Aquino si Pacquiao, na nagkita sa Conference Room sa Malakanyang ng leksyon sa kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) bill.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na ipinaliwanag na mabuti ng Punong Ehekutibo kay Pacquiao ang kanyang five-point stand sa RH bill.

Gayunman ay inihayag din naman ni Pacquiao ang kanyang posisyon sa isyu bilang isang indibiduwal.

Nilinaw ni Valte na hindi pinilit ni Pangulong Aquino si Pacquiao na suportahan ang posisyon nito ukol sa RH bill.

Malalaman na lamang aniya ng publiko kung nagbago ng posisyon si Pacquiao ukol sa RH bill sa oras na bumoto na ito sa plenaryo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply