Pacman, Pacmom, imbitado sa kasal ni Miriam

IMBITADO na sa kasal ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sina Sarangani Rep. Manny “Pacman” Pacquiao, kabiyak na si Jinkee at inang si Mommy Dionisia na naunang nakaaway ng senador hinggil sa kontroberisyal na reproductive health bill.

Ngunit, tablado naman si dating Pangulong Fidel Ramos sa mungkahi ng ilang call-in-listener sa isang talk show na pinangunahan ni Rey Langit nitong Mayo 25, sa DWIZ kung saan tumatanggap ang senador ng mungkahi mula sa tagapakinig.

“Pugilistic excellence is not one of my ambitions.  I have no desire to spar with Pacman.  I feel affection for him and Aling Dionisia, because we are all Visayans,” aniya.

Nilinaw pa ni Santiago na hindi niya sinasadyang masaktan ang ina ni Pacquiao sa pagbibigay ng komento sa pahayag ng pambansang kamao na pawang komokontra sa RH Bill na inihain ng senador sa Mataas na Kapulungan.

“I didn’t mean to offend.  It was just an affectionate appeal in the Ilongo dialect,” giit ni Santiago.

Sa mungkahi naman ng isang listener na imbitahan si Ramos, sinabi ni Santiago na walang batas na pumipigil sa kanya na huwag imbitahan ang taong hindi niya gusto.

“There is no law that compels me to invite people I actively dislike.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply