Pacman paparangalan ng Kamara– Daza

BIBIGYAN ng Kamara ng isang parangal si Saranggani Rep. Manny Pacquiao na hindi pa nito natatanggap sa kasaysayan ng kaniyang karera bilang boksingero.

Ito ang inihayag ngayon, Mayo 8 (petsa sa Pilipinas), ni House Deputy Speaker Raul Daza na kasalukuyang nanonood ng live letecast sa gym ng Kamara de Representantes kasama ang mga empleyado.

Sa panayam ng Remate Online kay Daza bago magsimula ang naturang laban ay sinabi niyang pinag-uusapan na ng liderato ng Kamara ang pagbibigay ng “Greatest Filipino Artist of the Century” na hindi pa naigagawad sa Pambansang Kamao.

Ayon kay Daza, umaasa siyang sa loob  ng anim na rounds ay pababagsakin ni Congressman Pacquiao si Mosley.

Sa ngayon, katatapos lamang umawit ng Lupang Hinirang ng international singer na si Charisse Pempengco na kalmadong umakyat sa ring. Nakalugay lamang ang kanyang buhok at naka-gown na puti.

Ayon sa mga ulat, hindi pa nakalalasap si Sugar Shane Mosley ng knockout kaya naman umaasa ang maraming Filipino na si Pacman na ang magpapatumba sa pamamagitan ng KO dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply