RH bill tuloy ang deliberasyon sa Kamara

TULOY na ang deliberasyon ng kontrobersyal na Reproductive Health bill sa sesyon ng Kamara ngayong Martes ng hapon, Mayo 17.

Si Minority Leader Edcel Lagman bilang pangunahing may-akda ng panukala ang unang magsasalita subalit ang magsasagawa ng sponsorship speech ay si Biliran Rep. Rogelio Espina, chairman ng House committee on population and family relations.

Samatala, nakikipagpulong naman si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa may 10 obispo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) matapos siyang imbitahan sa isang dayalogo.

Ani Pacquiao, inimbitahan siya ng CBCP upang pag-usapan ang pagsuporta niya sa pagharang na maipasa ang kontrobersyal na panukala sa plenaryo ng Kamara.

Kasama ni Pacquiao na nagtungo sa tanggapan ng CBCP si dating Manila Mayor Lito Atienza na isa rin sa matinding tumututol sa sa RH bill.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply