Pacquiao dumating na sa bansa

DUMATING na sa bansa Sabado ng umaga, Mayo 14, si boxing champion Manny Pacquiao matapos ang matagumpay niyang pagdepensa sa kanyang World Boxing Organization (WBO) welterweight crown laban kay Shane Mosley.

Kasama niyang dumating ang kanyang asawang si Jinky at ilan pang miyembro ng Team Paccquiao. Lumapag sila sa Ninoy Aquino International Airport dakong 6:35 ng umaga.
Si Paquiao ay sinalubong ng kanyang pamilya at mga fans. Dumiretso si Pacquiao at ang kanyang pamilya sa isang hotel sa Makati City para magpahinga.

Nakatakdang dumalo ng misa sa Quiapo Church si Pacquiao at makipagkita kay Presidente Benigno Aquino III sa Malacanang para ihandog ang kanyang yellow globes na ginamit laban kay Mosley.

Inaasahang magtutungo agad ang boxing champion sa General Santos City ngayong Linggo para sa 62nd birthday ng kanyang inang si Nanay Dionisia.

Samantala sa ginanap na press conference sa NAIA, pinagtawanan at ipinagkaila ni Pacquiao ang umuugong na balita sa internet na gumagamit siya ng  “steroid. ”

“Hindi totoo iyan. May drug test naman before at after ng laban. Patunayan nila muna,” pahayag ni Paquiao. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply