Pacquiao knockout kay Lagman

“I AM ready to rumble! I will not run away like Sugar Shane Mosley.”

Ito ang tugon ni House Minority Leader Edcel Lagman sa pasimula ng interpelasyon ni Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Tumagal din ng 35 minuto ang interpelasyon ni Pacquiao kung saan limang beses din siyang nasopla ni Lagman sa pagsasabing ang tanong nito ay nasagot na noong Martes, Mayo 17, nang mag-interpellate sina Manila Rep. Amado Bagatsing at Cebu Rep. Pablo Garcia.

Lahat ng isyung inungkat ni Pacquiao ay tinugon ni Lagman ng mahinahon ngunit may pangungutya na: “Nasagot ko na po ang katanungang iyan kahapon.”

Kabilang sa interpelasyon ni Pacquiao ay ang dalawang anak lamang sa isang pamilya, paglalaan ng taunang pondo sa RH na P3 bilyon, sexuality education na hindi sapilitan, at ang pagbili ng mga employers ng contraceptives para sa kanilang mga empleyado na ayon kay Lagman ay napagkasunduan na ng mga may-akda ng RH bill na tanggalin na ang probisyong ito.

Pagkatapos ng Lagman-Pacquiao showdown ay agad kinuwestyon ni Leyte Rep. Sergio Apostol ang korum at sa 125 na mambabatas sa plenaryo ay idineklarang walang korum kung kaya kagyat na tinapos ang sesyon.

Bago tumayo si Pacquiao ay nagka-initan muna sina Parañaque Rep. Roilo Golez at tumayong presiding speaker at Cavite Rep. Crispin Remulla.

Kinuwestyon ni Golez kung bakit kailangang talakayin ang House Bill 4244 o ang Comprehensive Policy on Responsible Parenthood, Reproductive Health and Population Development gayung nasa pang-99 ito sa may 106 na mga pangunahing panukala na dapat talakayin ng Kamara. Meliza Maluntag

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply