Pacquiao, Marquez fight kasado na sa Nobyembre

NAKAKASA na ang ikatlong pagtutunggali nina 8-division World Champ Manny Paquiao at WBO Lightweight King Juan Manuel Marquez sa Nobyembre.

Ang muling pagtutuos ay inanunsyo ng Top Rank Promotion makaraang pagkasunduan ang pagtutunggali ng dalawang boksingero.

Ang pagtutuos ay pangatlong paghaharap na ng dalawa matapos unang talunin ni Pacquiao sa huling laban si Marquez noong 2004.

Ayon sa kasunduan, gaganapin ang laban sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas sa Nobyembre 12, at $5 M ang naghihintay na premyo para kay Marquez.

Noong 2004, nagharap si Pacman at Marquez at  naging tabla ang laban ng dalawa, kaya nagkaroon ito ng rematch noong 2008, at nanalo si Pacquiao via split decision.

Sa ikatlong pagtutuos, naniniwala ang trainer ni Pacquiao na tatalunin muli nito si Marquez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply