Pacquiao-Mosley fight ‘di panonoorin ni Mayweather

DEDMA kay dating pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. ang magiging laban nina Manny Pacquiao at Sugar Shane Mosley para sa WBO world title fight Las Vegas, Nevada.

Ito ay dahil ang concert ni Lady Gaga umano ang panonoorin ng boksingero kasabay ng pay-per-view championship fight ng dalawa.

Ayon kay Mayweather, nag-imbita pa siya ng mga kaibigan upang manood ng concert ni Lady Gaga dhail hindi sya interesado na panoorin ang Pacquiao-Mosley fight dahil mga tira-tira na lamang aniya ang kinakalaban ni Pacquiao na nanggaling na sa kanyang mga kamay.

“All he’s doing is fighting my leftovers and he just keeps on saying that I’m scared. All I say everyday is this, take the test.” Pahayag pa ni Mayweather.

Kahit na hindi sya manonood ng laban, si Mosley pa rin umano ang kanyang susuportahan kahit na malabo itong manalo kay Pacquiao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply