Pacquiao nag-iisang bilyonaryo sa Kongreso

BATAY sa pinakahuling statement of assets liabilities and networth (SALN) ng mga kongresista, nag-iisang bilyonaryo sa deklaradong yaman na P1.1 bilyon si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Pumapangalawa naman sa pinakamayamang kongresista si 3rd District Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez na may-ari ng Bingo Bonanza na may P624 milyon networth.

Pumangatlo si dating Unang Ginang at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos sa network na P623 milyon na naharap din sa napakaraming kaso ng diumano’y katiwalian sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Pumang-apat sa pinakamayamang kongresista ang absenero at sumulpot hindi sa sesyon na si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na may P555 milyon networth.

Pang-lima naman ang pamangkin ni Ginang Marcos na si Leyte Rep. Martin Romualdez na may P475 milyon networth.

Nasa pang-anim na pwesto naman ang isa pang dating opisyal ng Arroyo administration na nahaharap din sa kasong katiwalian sa TESDA na si Iloilo Rep. Augusto “Buboy” Syjuco na may P300 milyon networth na mas mayaman pa sa dating presidente at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa networth na P140 milyon at nasa pang-17 pwesto lamang sa mga pinakamayamang kongresista at may liabilities na P34,979,799 .

Ang House Speaker na si Feliciano “SB” Belmonte ay nasa pang-pitong pwesto naman sa P283 milyong networth at mahigit P 2.3 milyong liabilities.

Bagama’t pinakamayaman sa Senado si Senador Manny Villar, ang kanyang anak na si Las Piñas Rep. Mark Villar ay nasa pang-12 pwesto lamang sa P156,194,279 milyong networth kumpara sa ina na si dating Rep. Cynthia na palagiang nangunguna sa listahan ng pinakamayamang kongresista.

Pang-18 naman sa pwesto ang bayaw ni GMA na si Negros Rep. Ignacio “Iggy” Arroyo, nasa pang-27 sa listahan si Ang Galing Pinoy Rep. Mikey Arroyo sa P95,547,024 milyon networth at P46,291,976 milyon na liabilities samantalang nasa pang-35 na pwesto naman si Camarines Rep. Dato Arroyo sa P87,263,644 networth at liabilities na P41,200,000.

Si Mikey Arroyo ay nahaharap sa P78-million tax evasion sa Department of Justice na inihain ng Bureau of Internal Revenue.

Pinakamahirap naman batay sa idineklarang SALN ay ang mga partylist Reps. na ang pinakamahirap ay si Anakpawis Rep. Rafael Mariano na nagdeklara lamang ng P75,711 networth.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply