Pacquiao wagi laban kay Mosley

MATAGUMAPAY na nadepensahan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang kanyang WBO welterweight crown laban sa African-Amrican na si  Sugar Shane Mosley ngayong Mayo 8 (petsa sa Pilipinas) sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada sa pamamagitan ng unanimlous decision sa iskor na 119-108, 120-108 at 120-107.

Sa unang round ng laban ay nagkakapaan lamang ang dalawang magaling na boksingero.

Napuruhan ng Pambang Kamao si Mosley sa ikatlong round kung saan napabagsak ang challenger.

Mula nang mapatumba ni Manny si Mosley ay panay na ang pag-iwas nito sa mga suntok ng Pambansang Kamao kaya naman puro daplis lang ang mga tama nito kay Manny.

Madaya namang napatumba ni Mosley si Manny sa ika-10 round nang itinulak ni Mosley si Manny dahilan para bilangan ito ng referee.

Dahil dito, lalong nag-init ang laro ni Manny at  hindi nagpapigil ang kanyang mga kamao para magpakawala ng malalakas na suntok.

Si Manny ay mayroon ng rekord na 53 panalo, tatlong (3) talo, dalawang (2) draw at 38 panalo sa pamamagitan ng  knockout.

Samantala, ayon sa Twitter account ng Top Rank, umabot sa 16,412 ang bilang ng mga nanonood sa labanan na ito nina Pacquiao at Mosley.

Pagbalik naman ng Pambansang Kamao, na kongresman din ng Sarangani Province ay paparangalan ito ng Kamara bilang “Greatest Filipino Athlete of the Century.”

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply