Pag-aayos sa Osmeña flyover aabot ng 3-4 buwan

INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na aabutin ng tatlo hanggang apat na buwan ang pagkukumpuni sa Osmeña flyover sa Makati City.

Ayon sa MMDA hindi nila pasisimulan ang pagkukumpuni sa naturang lugar habang hindi pa nila nailalagay ang kaukulang traffic signs sa mga alternatibong ruta sa mga kalsada.

“The motorists need to be properly informed about the project beforehand so that they will not be greatly inconvenienced,” pahayag ni MMDA Chairman Francis Tolentino sa kanilang MMDA website.

Ayon sa MMDA, ang proyekto ay aabot ng 120 calendar days, pero pipilitin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at ng kontraktor na tapusin ang pagre-repair sa loob ng 90 days.

Ang  pagsasaayos at rehabilitation ng  flyover ay proyekto ng DPWH, at humihingi ng agapay sa MMDA para sa kanilang  traffic clearance.

“The public needs to understand that the structure badly needs repair because it was built and used for almost 30 years now, and definitely, it is no longer safe as it was before. To delay its repair poses greater damage, especially during earthquakes,” ani Tolentino. Kinakailangan umanong isara ang isang direksiyon sa apat na linya ng flyover habang ito ay inaaayos.

Sinabi ni Tolentino na ang mga sasakyang dumaraan sa Osmeña Highway ay kailangang dumaan sa tabi ng flyover patawid ng Buendia Avenue sa lungsod ng Makati. Johnny F. Arasga

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply