Pag-abolish sa GOCCs haharangin sa House

INIHAYAG ni House  Minority  Leader at  Albay Rep. Edcel  Lagman na idudulog  ng minorya ng Kamara de Representantes sa  Korte  Suprema ang pagtutol sa  pagbuwag  ng Palasyo sa 157 government-owned and -controlled  corporations (GOCCs).

Sa  ginanap na regular na  press  conference  ng minorya  ngayon, Miyerkules, tinukoy ni  Lagman na nilabag ng Malakanyang ang Section 5 Article 9 at  Section 3 Article  9 ng Saligang Batas sa pagbuwag  nito ng  mga  GOCCs.

Iginiit ng kongresista, na walang  karapatan ang anumang ahensya ng gobyerno na mag-apruba at magrekomenda ng budget ng allowance sa GOCC’s.

Isinasaad sa mga nabanggit na probisyon na tanging ang Kongreso at  ang Civil Services Commission (CSC) ang makagagawa ng mga ito.

Kung mangyayari umano ito ay magkakaroon ng “duplication of  function.”

Iginiit ni Lagman ang pangangailangan ng isang deliberasyon ng Kongreso para sa usaping pondo ng GOCCs.

Samantala, ang CSC naman ang siyang magsasagawa ng pagbuwag at  pagpapatigil ng lahat ng mga nasa “fixed term” na nasa gobyerno.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply