Pag-atras ng CBCP sa civil disobedience ikinatuwa ng Palasyo

IKINATUWA ng Malakanyang ang pahayag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi nila suportado ang panawagan ng ilang grupo na magsagawa ng tax boycott at civil disobedience sa oras na makalusot sa Kongreso ang isinusulong ni Pangulong Benigno Aquino III na Reproductive Health (RH) Bill.

Binigyang-diin ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na buong puso na tinanggap ni Pangulong Aquino ang naging paglilinaw ng naturang grupo ng mga Obispo ng Simbahang Katoliko.

Ayon pa kay Lacierda, dapat lamang hayaan na maging malaya ang mga isinasagawang debate sa Kamara de Representantes kaugnay sa positibo at negatibong epekto ng RH bill at marapat lamang na dumistansya rito ang Ehekutibo at Catholic Church.

Kaugnay nito, sports naman na tinanggap ni Pangulong Aquino ang posisyon ni Sarangani Congressman Manny Pacquiao na tutulan ang RH bill kung saan ay sumalang na ito sa debate sa Kamara kaharap ni House Minority Leader Edcel Lagman.

Ani Lacierda, mayroong karapatan ang bawat indibidwal na pumanig o tumutol sa isang pambansang isyu, aniya, bilang mambabatas ay may pagkakataon si Pacquiao na ihayag ang kanyang saloobin at posisyon sa naturang panukala.

Ito ay bahagi na rin ng umiiral na demokrasya sa bansa at hindi pipilitin ng Malakanyang ang sinuman na pumanig sa kagustuhan ni Pangulong Aquino.

Sa tanong naman na kung makahihikayat ng mga kapwa kongresista si Pacquiao sa kanyang panig ay tikom naman ang bibig ng Palasyo dahil ito ay ibang usapin kumpara sa boksing.

Kinumpirma naman ni Lacierda na pormal nang natanggap ng Palasyo ang liham ng CBCP na naglalaman ng pag-atras ng mga Obispo sa pakikipag-dayalogo sa pamahalaan kaugnay na rin sa isyu ng RH bill.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply