Pag-shutdown sa Hamaoka nuclear reactor, inumpisahan na

IPINAHAYAG ng operator ng Hamaoka Nuclear power plant na inumpisahan na nila ang proseso ang pag-shutdown ng reactor no. 4 ayon sa kahilingan ni Japan Prime Minister Naoto Kan.
Nabatid na sa Sabado ay isusunod din nila ang ang reactor no. 5.

“We plan to stop electricity generation in the morning, and then the reactor is scheduled to be non-critical around noon today,” ayon kay Kazuhide Enoo, isang opisyan ng planta.

Tinatayang mayroong limang nuclear reactors ang naturang planta subalit ang tatlo pang reactors ay na-shutdown na taong 2009 dahil sa kalumaan nito.
Nabatid na ginawa ang mga naturang reactors noong dekada 70 pa.

Nagsuhistiyon si Prime Minister Kan na isara ang planta dahil sa panganib nito dahil sa warning ng mga seismologists na magkakaroon ng malaking lindol sa naturang lugar.

Ang Hamaoka plant ay 200 kilometro lamang ang layo sa Tokyo.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply