Pagbagsak ng rating ni PNoy isinisi sa Gabinete

ISINISI ni Sen. Juan Miguel Zubiri na ang pagiging kampante sa posisyon ng mga miyembro ng gabinete ang dahilan ng muling pagbagsak ng satisfaction rating ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino.

Batay sa ulat ng Social Weather Stations, bumaba ang net satisfaction rating ni P-Noy sa +46 mula sa +64 nitong nakalipas na unang bahagi ng taon.

Ayon kay Zubiri, hindi maisisisi lamang kay Aquino ang pagbagsak ng kanyang satisfaction rating dahil hindi lang naman ang Pangulo ang gumagawa para sa publiko.

Aniya, posibleng hindi masyadong nagagampanan ng gabinete ang mga dapat nilang gawin kaya patuloy na bumabagsak ang rating ng Pangulo.

Sa pangyayaring ito, dapat umanong magsilbing wake-up call sa administrasyon ang pinakabagong resulta ng survey na isinagawa ng SWS para mag-doble sipag ang mga kalihim ng Pangulo.

Partikular pa na tinukoy ng senador ang mga cabinet members na dapat magdoble-kayod tulad nina Secretary Dinky Soliman ng Department of Social Welfare and Development, Secretary Proceso Alcala ng Department of Agriculture at Secretary Rogelio Singson ng Department of Public Works and Highways. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply